fortuitous (for•tyú•i•tús) : sanhi o inilalarawan nang hindi inaasahan; sa hindi sinasadyang pagkakataon
fortune (fór•tyun) 1: kapaláran1,2 2: pagiging suwerte o málas 3: malakíng kayamanan; malakíng salapi
fortune plant (fór•tyun plant) : tíla punongkahoy na haláman (Dracaena flagrans), tuwid, walang sanga, at may dahong 90 sm ang lápad, makintab at pahabâ
fó•rum 1: maliit na kumperensiya, karaniwang hinggil sa isang isyu 2: peryodiko at iba pa na nagbibigay ng pagkakataon para sa pagtalakay 3: pangkat o pook para sa pagtalakay, gaya ng husgado o tribunal
fór•ward 1: lansáng 2: nása unahán; nangungúna 3: tumutukoy sa unaháng bahagi ng isang barko 4: sa komersiyo, tumutukoy sa hinaharáp na paggawâ, paghahatid, at iba pa
fós•ter 1: a itaguyod ang paglakí o pag-unlad; alagaan o mag-alaga b pasiglahin o buhayin ang loob 2: sa mga pagkakataon o kalagayan, gawing paborable; sang-ayunan
fo•to•sín•te•sís : sintesis o pagsasámasáma ng iba’t ibang organikong element, lalo na ang mga carbohydrate, mula sa carbon dioxide, tubig, at salt na hindi organiko, sa pamamagitan ng enerhiyang mula sa sinag ng araw at ng chlorophyll na nagpapabilis ng proseso
foul (fawl) 1: mabahò; madumi 2: hindi makatarungan; salungat o hindi ayon sa mga tuntunin ng isang laro at iba pa 3: sa beysbol, nása labas ng takdang guhit
founder (fáwn•der) 1: tagapagtatag 2: pamamagâ sa paa ng kabayo dahil sa sobrang trabaho 3: rayuma sa kalamnan ng dibdib ng kabayo
fountain (fáwn•ten) 1: bukal ng tubig na ginawâ bílang pampalamuti o para inuman 2: estruktura para sa pirmihang pampublikong gamit ng tubig na inumin 3: likás na bukal ng tubig 4: sa pisikal o abstraktong kamalayan, ang pinagmulan o pinanggalíngan