folly (fó•li) 1: kalokóhan 2: mahal na gusaling ornamental, karaniwang isang tore 3: palabas na may maaalindog na babaeng tagaaliw, lalo na’t kakarampot ang suot
fondue (fón•du, fón•dyu, fon•dú) 1: tinunaw na kesong nilagyan ng pampalasa at pinagsasawsawan ng tinapay 2: anumang putahe na pira-pirasong inilulubog sa mainit o kumukulong likido
food chain (fúd tseyn) 1: pagkakasunod-sunod ng mga organismo, nagmumula sa kasunod ang pagkain ng bawat isa 2: serye ng restoran o tindahan ng pagkain na pag-aari ng iisang tao o kompanya
foot (fut) 1: paá1,3,4 2: talampákan2 3: sa tulang Ingles, batayang sukat ng ritmo, binubuo ng pangkat ng mga pantig
footage (fú•tidz) 1: habà o layò na sinusúkat sa talampakan o piye 2: dami ng film na ginawâ para ipalabas o ibrodkast
foot and mouth disease (fút end-mawt di•sís) : mabilis makahawang sakít ng báka, baboy, at iba pa, na lumilikha ng lintos sa bunganga at sa palibot ng kukó
foothold (fút•hold) 1: salalayan ng paa, lalo na sa pag-akyat 2: matibay at ligtas na taguán o kublíhan