in•te•lek•tu•wa•lís•mo 1: paggamit ng talino na halos maisantabi ang halaga ng damdamin 2: teorya na nagsasabing pangunahing batayan ng kaalaman ang dalisay na katwiran
in•te•li•hén•si•yá 1: kakayahan o talino na matuto at gumamit ng kaalaman at kasanayan 2: a impormasyong pangmilitar o pampolitika b tao na kasangkot dito
intelligence quotient (in•te•led•yéns kow•si•yént) : antas ng talino; bílang na nagpapahiwatig ng dunong ng isang tao alinsunod sa resulta ng pagsusulit ukol sa talino
intelligentsia (in•te•li•dyént•sya) 1: pangkat ng mga intelektuwal na kinikilálang nagtataglay ng mga simulaing pangkultura at pampo-litika 2: mga tao na gumagawâ ng gawaing intelektuwal; mga intelek-tuwal
in•tém•pe•ran•sí•ya 1: kawalan ng pagpipigil o hinahon 2: pag-abuso sa pag-inom ng alak; labis na paglalasing