intake (in•téyk) 1: pagpasok ng likido o gas sa anumang lagúsan tulad ng túbo 2: halaga o dami ng likido na pumasok
integral (in•tí•gral, in•teg•rál) : kantidad na ang hatag na funsiyon ang siyang derivative at maaaring magpahayag ng area sa ilalim ng kurba ng isang graph ng funsiyon
integral (in•tí•gral) 1: hinggil sa isang kabuuan o kinakailangang bahagi para sa pagkabuo ng isang kabuuan 2: hinggil sa integer
integrate (ín•ti•gréyt) 1: pag-isahin; kompletuhin sa pamamagitan ng pagdaragdag 2: magkaroon ng pantay na kalagayan at pagkilála sa loob ng lipunan, paaralan, relihiyon, at iba pa 3: hanapin ang integral na bahagi ng isang ekspresyon
integrator (in•ti•gréy•tor) 1: tagabuo o anumang nagsasa-gawâ ng integrasyon 2: instrumento na sumusukat sa kabuuang halaga ng katangiang pisikal, tulad ng tem-peratura, lawak, at iba pa