intercept (ín•ter•sépt) 1: dakpin o hadlangan ang isang tao o anumang bagay na tumutúngo sa isang pook 2: putulin o ihinto ang galaw 3: maglagay ng tanda sa pagitan ng dalawang punto
interceptor (in•ter•sép•tor) 1: tao o bagay na humahadlang o humaharang 2: sasakyang pang-himpapawid na ginagamit sa pag-hadlang sa mga sumasalakay
interchange (ín•ter•tséynds) 1: pagpapalitan 2: tagpúan ng mga lansangan na idinisenyo upang hindi magkasalubungan ang mga sasakyan at nang lumuwag ang trapiko
intercom (ín•ter•kóm) 1: sistema ng komunikasyon sa loob o pagitan ng mga tanggapan sa pamamagitan ng radyo o telepono 2: kasangkapang ginagamit dito
Intercontinental Ballistic Missile (in•tér•kon•ti•nen•tál ba•lis•tík mí•sayl) : pangmalayuan at malakas na misil
intercourse (ín•ter•kórs) 1: komunikasyon o ugnayan 2: pagta-talik na seksuwal 3: komunyon o ugnayan ng tao at Diyos
intercrop (ín•ter•króp) : magpatubò ng pananim kasáma ng ibang pananim, karaniwan sa pagi-tan ng mga hanay
in•te•rés 1: a malasákit sa isang bagay, tao, o pangyayari b ka-tangian ng isang bagay at iba pa na nakakukuha ng pansin c kahalagahan ng isang usapin, paksa, at iba pa 2: paksa, asignatura, at iba pa na pinag-kakaabalahan ng isang tao 3: tubò o pakinabang lalo na sa pananalapi 4: halaga na ipinapataw sa pagbabayad ng salaping hiniram
interface (ín•ter•féys) 1: isang rabaw na bumubuo ng hang-gahang pinagtatagpuan ng dalawang rehiyon 2: isang punto na pinangya-yarihan ng inter-aksiyon ng dalawang sistema, proseso, asignatura, at iba pa 3: isang aparato na ginagamit na koneksiyon ng dalawang piyesa ng kasangkapan upang magamit na magkasabay