internecine (ín•ter•ní•sin) 1: mabagsik sa isa’t isa 2: tumutukoy sa tunggalian sa loob ng isang pangkat
ín•ter•nét : internasyonal na network na pang-computer at nag-uugnay sa mga indibidwal, institus-yon, ahensiya, industriya, at iba pa
in•ter•pe•ren•si•yá 1: panghihimasok; pakiki-alam 2: ang paghina o pagkasíra ng mga signal ng radyo dahil sa iba’t ibang sagabal na karaniwang mula sa atmospera
in•ter•po•las•yón 1: pagbabago sa isang teksto sa pamamagitan ng pagsisingit ng mga dagdag na bahagi nang palihim o walang pahintulot 2: pagbulalas sa gitna ng pag-uusap
interpolate (in•tér•po•léyt) 1: baguhin ang isang teksto sa pamamagitan ng pagsisingit ng mga dagdag na bahagi nang palihím o walang pahintulot 2: sumingit sa isang usapan
ín•ter•prét 1: ipaliwanag o linawin ang kahulugan 2: unawain ang isang bagay sa paraang nata-tangi 3: gawin ang tungkulin ng isang tagapagpaliwanag