- J, jpng1:ikasampung titik sa alpabetong Filipino at tinatawag na dyey2:ikasampu sa isang serye o pangkat3:ikalabing-isang titik sa alpabetong Espanyol at binibigkas katulad ng h sa alpabetong Filipino4:pasulat o palimbag na representasyon ng J o j5:tipo, tulad ng sa printer upang magawâ ang titik J o j
- Jdaglat | [ Ing ]1:judge; justice22:sa baraha, jack2
- jabberwocky (já•ber•wó•ki)png | [ Ing ]:mga salitâng walang katuturan at nakatatawá
- jacaranda (ja•ka•rán•da)png | Bot | [ Ing ]:alinmang punongkahoy (genus Jacaranda) na may mabangong kahoy, bughaw at hugis trumpeta ang bulaklak
- jack (jak)png | [ Ing ]1:kasangkapang pang-angat ng bagay na mabigat2:sa baraha, kabáyo4
- jackal (já•kal)png | Zoo | [ Ing ]:botang lampas tuhod, mabigat, matibay, at karaniwang isinusuot ng mga sundalo
- jackknife (ják•nayf)png | [ Ing ]1:malakíng lansetang naititiklop2:uri ng paglundag ng manlalangoy
- jackpot (ják•pat)png | [ Ing ]:pinakamalakíng premyo na maaaring mapanalunan sa isang palaro, ripa, o paligsahan
- jackstone (jáks•town)png | Isp | [ Ing ]:larong pambatà na pinupulot ng isang kamay ang isang bílang ng mga metal o plastik na piyesa na may anim na tulis, hábang pinatatalbog at sinasaló ng kamay ding iyon ang isang maliit na bola
- Jacob (ha•kób, jéy•kob)png | [ Esp Ing ]:sa Lumang Tipan, pinakabatà sa kambal na anak nina Isaac at Rebecca; nagbalatkayo upang makuha ang basbas ng amá
- Jacobin (já•ko•bín)png | [ Ing ]1:noong Rebolusyong Pranses, kasapi ng isang radikal na samaháng pampolitika2:tao na radikal o mapanghimagsik3:fraileng Dominiko
- jaculatoria (ha•ku•la•tór•ya)png | [ Esp ]:pahayag ng mataimtim na pagsamba
- jacuzzi (ja•kú•zi)png | [ Ita ]:páliguán na may pumupulandit na tubig na nakamamasahe sa katawan, ipinangalan sa nakaimbento at gumagawâ nitó na si Candido Jacuzzi
- jade (jeyd)png | [ Ing ]:makinis na batóng hiyas, karaniwang lungtian o putî
- j’adoube (zha•dúb)png | Isp | [ Fre ]:sa ahedres, pagpapahayag ng isang manlalaro na baguhin ang posisyon ng pitsa ngunit hindi nangangahulugang yaon na ang sulong