- kan•yángpng | [ ST ]:nagyayabang na paglakad
- kán•ya pís•tu•lápng | Bot | [ Esp caña pistola ]:uri ng punongkahoy (Cassia fistula)
- kan•yáwpng1:[ST] sagwak ng likido2:[Igo] malaking piging at pagdiriwang
- kan•yódpng:paurong at pasulong na galaw ng katawan ng laláki sa pagtatalik nang nakatayô
- kan•yógpng:pag-arko ng katawan katulad ng nangyayari kapag nagta-talik
- kan•yónpng | [ Esp cañón ]1:mala-kíng sandatang pumuputok na gawâ sa bakal o tanso2:túbong silindriko o hugis bumbong3:yerbang (Lillium philippinense) hugis bombilya, hugis silindriko ang punò, at hugis trumpeta ang putîng-putîng bulaklak, katutubò sa Filipinas at karaniwang nakikíta sa gubat ng Benguet
- kan•yo•ná•sopng | [ Esp cañonazo ]:putók ng kanyon
- kan•yo•né•rapng | [ Esp cañonera ]:puwang o bútas na lagakan ng kan-yon, baril, o katulad
- kan•yo•né•ropng | Mil | [ Esp cañonero ]:tagapagpaputok ng kanyon
- ka•o•bá•napng | [ Esp caobana ]:tawag sa lahat ng uri ng mahogany
- ka•ókpng:pagdawdaw o pagsalok sa tubig o anumang likido sa pamama-gitan ng kamay
- ka•ó•kagpng | Zoo:panggabing hayop (Hylopetes mindanensis) na kahawig ng ardilya ang ulo at matatagpuan lámang sa Mindanao
- kaon (kéy•on)png | Pis | [ Ing ]:meson na ilang ulit ang mass sa pion
- ka•ónpng | [ ST ]1:pagtawag o ang tao na tinawag2:pagdadalá o pagbit-bit ng isang bagay3:pagpunta at pagdatíng
- ká•ongpng | Bot:malakíng palma (Arenga pinnata) na may dahong umaabot hanggang 8.5 m ang habà at ginagawâng minatamis ang mu-ràng bunga, katutubò sa Filipinas at karatig-pook