ka•pa•ka•nán 1: interes, gawain, o anumang nanga-ngailangan ng kilos o pagpupunyagi 2: kalusugan, kaligayahan, at kaunlaran ng isang tao o pangkat
ká•pa-ká•pa 1: palumpong (Medinilla magnifica) na makahoy, may apat na palupo, makapal, mala-pad, at balahibuhin ang dahon, at hugis bituin ang putîng bulaklak, may 100 species na katutubò sa Filipinas 2: pasamáno1
ka•pál 1: súkat sa pagitan ng dalawang magkabilâng rabaw 2: dami ng isang bagay, hal kapál ng tao sa bangketa, kapal ng salapi 3: likhâ2 o nilikhâ 4: keyk na gawâ sa tinapay
ka•pá•lang 1: hindi kásukát; hindi husto 2: sa pag-aasawa, hindi pantay ang edad, kalagayang pangkabuhayan, uring panlipunan, at iba pa
ka•pa•lá•ran 1: pangyayari na hinihinuhang magaganap sa búhay ng tao o anumang nilaláng 2: ang nangyari tulad ng inaasahan 3: pálad2
ká•pal-ká•pal : palumpong (Calotropis gigantea) na tumataas nang 2-3 m at may bulaklak na hugis bituin mula putî hanggang morado ang kulay at ginagawâng kuwintas