ka•ru•nú•ngang-bá•yan : tumutukoy sa alamat, bugtong, salawikain, at iba pang anyo ng katutubòng panitikan na mapaghahanguan ng sinaunang paniwala at halagahan
ka•ru•rú•kan 1: taluktok ng bundok o ng isang pook 2: pinakamataas na bahagi o yugto 3: upuan ng isang pinagpipitaganang tao 4: upuan ng isang pinagpipitaganang tao
kar•wá•he 1: sasak-yang may apat na gulóng, karaniwang hinihila ng kabayo 2: ang katawan gaya ng sasakyan
ká•sa 1: báhay1 2: báhay-kalákal 3: báhay-sangláan 4: lihim na kanlungan ng prostitusyon 5: parisukat na larúan ng ahedres 6: isang set ng baraha 7: pangangáso
ka•sáb 1: pagsasalita nang pagalit 2: malakas at maingay na kampay ng isang lumalangoy 3: isda na tumalon sa lambat 4: galaw ng panga ng hayop hábang kumakain o ngumunguya