- kar•tu•lí•napng | [ Esp cartulina ]:manipis at makinis na karton, may iba’t ibang kulay, at ginagamit sa pagsulat o pagguhit
- kár•tunpng | [ Ing cartoon ]:katawa-tawa o mapang-uyam na krokis o drowing sa pahayagan, magasin, o katulad
- kar•tu•tsé•rapng | Mil | [ Esp cartuchera ]:sisidlan ng pulbura o lalagyan ng bála ng riple
- kar•tú•tsopng | [ Esp cartucho ]1:mali-it na sisidlang metal ng pulbura at bála ng baril2:rolyo ng mga baryang magkakapareho ng denominasyon at súkat
- ka•rub•du•bánpng | [ ka+dubdob+an ]1:matinding init2:ganap na pagkamasigasig
- ka•rug•tóngpng | [ ka+dugtong ]1:2:bahagi ng isang bagay na naputol, kinapos, o pansa-mantalang itinigil3:susunod na labas sa de-seryeng nobela o progra-ma sa TV o radyo var kadugtóng
- ka•rú•kodpng | Psd | [ Ilk ]:maliit na lambat na pangisda sa ilog o dagat
- ka•rú•mal-dú•malpnr | [ ka+dúmal+ dúmal ]:lubhang napakasamâ; nakasusuká dahil lubhang masamâ
- ka•rum•hánpng | [ ka+dumi+han ]1:pagiging marumi2:pagiging suklam o nandidiri sa isang bagay
- ka•rúng•ku•lápng | [ Esp carúncula ]1:mahimaymay na lamáng tumu-tubò sa katawan2:abnormal na lamán na tumutubò sa balát ng butó ng haláman
- ka•rung•su•lánpng | [ ka+dungsol+ an ]:pook na madalas puntahán ng mga tao para sa pagtitipong sosyal o pagnenegosyo