• ka•ta•yú•an
    png | [ ka+tayô+an ]
    1:
    posisyon o puwesto sa isang tiyak na panahon at kaligiran
    2:
    puwesto o posisyon sa klase, opisina, at samahan
    3:
    antas ng búhay at kalusugan
  • kat•ba•lú•nga
    png | Bot | [ Hil Kap Seb Tag War ]
    :
    baging (Strychnos ignatii) na may bungang nagtataglay ng mga butóng nakalalason
  • kat•bíng
    png | [ ST ]
    :
    pagputol sa lubid na nagdudugtong sa isang bagay o ang mismong lubid na pinútol
  • kat•bíng
    pnr | Ntk
    :
    umurong o umikli, gaya ng talì ng mga sasakyang-dagat
  • kat•dó•kat•dó
    png | Zoo | [ Pan ]
  • ká•te•drá
    png | [ Esp cátedra ]
    1:
    isang puwesto o katungkulan
    2:
    upúan ng propesor
    3:
    upúan ng obispo sa katedral
  • ka•ted•rál
    png | [ Esp catedral ]
    :
    punòng simbahan ng diyosesis na kinalalag-yan ng trono ng obispo
  • ka•te•drá•ti•kó
    png | [ Esp cate-drático ]
    :
    posisyon o ranggo ng isang propesor sa kolehiyo o unibersidad
  • ka•te•gór•ya
    png | [ Esp categoría ]
    :
    uri o dibisyon sa isang kompletong sistema o pagpapangkat
  • ka•té•kep
    png | [ Pan ]
  • ka•te•kís•mo
    png | [ Esp catequismo ]
    1:
    pagtuturò ng mga paniniwalang Kristiyano
    2:
    aklat na nag-lalamán ng balangkas ng mga paniniwala at prinsipyo ng relihiyong Kristiyano
  • ka•te•kís•ta
    png | [ Esp catequista ]
    :
    guro o tagapagturò ng katekismo
  • ka•te•kú
    png | Bot | [ Mal ]
    :
    katas mula sa gulay na may tannin
  • ka•tél
    png | Zoo | [ Mag ]
  • ka•te•lék
    png | [ Pan ]
  • ka•tér•ba
    png | [ Esp caterva ]
    :
    napaka-raming tao, bagay, at iba pa
  • ká•ter•pí•lar
    png | [ Ing caterpillar ]
    1:
    tíla uod na larva ng paruparo
    2:
    aparatong pambukid
    3:
    anumang aparatong kahawig ng larva ang kilos
  • ka•te•sís•mo
    png | [ Esp catequismo ]
    :
    varyant ng katekismo
  • ka•te•te•rá•ngan
    pnr | [ Mrw ]
  • kat•hâ
    png
    1:
    [ST] likha o planong binubuo sa isip o ang komposisyon at pagsulat nitó
    2:
    a akdang pasa-laysay, tulad ng nobela at maikling kuwento, tungkol sa mga pangyayari at tauhan na maaaring lubos o hindi lubos na likhang-isip b ang kategor-yang binubuo ng mga nobela at kuwento
    3:
    anumang likhâ o imbento
    4:
    komposisyong musikal