ka•tás 1: likido na napipiga sa anumang haláman o bungangkahoy 2: kaluskos sa damuhan 3: pag-ubos o pagpapaunti sa isang bagay, karaniwang likido
ka•ta•ta•gán 1: kalagayang maayos o matibay na tumatagal 2: pamamalagi sa isang posisyon 3: pagiging sapat sa kan-tidad o kalidad
ka•ta•ta•ó•han 1: anitong maaaring magkatawang-tao 2: higante na nagmamay-ari ng bang-kang lumulutang sa himpapawid, at karaniwang namumulot ng mga bangkay ng tao
ka•ta•ú•han 1: kata-ngiang mental at moral na ikinaiiba ng isang tao 2: ang likás na ikinatatangi ng isang bagay o tao
ka•ta•wán 1: pisikal na kabu-uan ng isang tao o hayop 2: ang pinakamalakíng bahagi ng tao na binubuo ng dibdib, tiyan at pusón, batok, likod, at balakang 3: sa punongkahoy, ang kabuuan mula sa punò hanggang sa kinahuhugpungan ng mga sanga 4: káha4 5: pagbibigay ng gawain sa iba o paggawâ sa trabaho ng iba
ka•ta•wáng-tá•o : anyo ng tao, karaniwang naga-ganap sa banyuhay ng abstrakto o nilaláng na hindi tao at nagiging tao
ká•tay : paraan ng pagpatáy sa hayop, gaya ng pag-aalis ng balát, pagpuputól-putól ng katawan, at pagtadtad