ka•ta•ngí•an 1: bagay na ikinaiiba o ikinatatampok ng isang tao, bagay, o pook 2: ang whole number o integral na bahagi ng logarithm
ka•tá•o 1: pahalang na kawayan na tumatawid sa mga kilo ng kubo at pinagkakapitan ng bu-bong na pawid o damo 2: baras na pansukat 3: kulúngan ng mga hayop
ka•ta•pu•sán 1: pagiging buo o tapós ng isang gawain 2: wakás 3: pagtitipon o pagdiriwang sa hu-líng pagsisiyam 4: hulíng araw ng buwan
ka•tár•sis 1: paglilinis o purga 2: ang masining na pagsisiwalat at pagpapahupa ng matinding damda-min, gaya ng hilakbot at awa 3: pagdudulot ng sitwasyon upang maisiwalat ang sikil at sinisikil na damdamin