kab•káb 1: malakíng kagát 2: pagngata sa pamamagitan ng mga ngipin 3: palaka (Rana magna) na matabâ at malaki 4: pamay-pay
kab•ka•bá•lan : uri ng malaki-laking labahita (Acanthurus Trioste-gus) na dilaw na lungtian ang kulay at may limang itim na guhit mula itaas pababâ ng katawan
kab•ká•bron : uri ng damo o yerba na isinasahog sa pagkain ng baboy at ginagamit na pantapal sa sugat
ka•blíng-gú•bat : maliit at balingkinitang palumpong (Orthosi-phon aristatus), biluhabâ ang dahon, kulay lila ang bulaklak, at biluhabâ ang nuwes
ka•blíng-la•lá•ki : yerba (Ani-someles indica o Malabar catmint) na payat at biluhabâng dahon, ma-raming bulaklak na kulay lila, at nakapagpapagalíng ng rayuma at sakít sa tiyan