ka•lan•ta•rì 1: pakikialam at walang-ingat na paggalaw sa isang bagay na nakaligpit 2: walang pakundangang panghihipo sa ibang tao 3: paninirang puri
ka•lan•tás : malakí at matigas na punongkahoy (Toona calantas), may maganda at mabangong kahoy na ginagamit sa paggawâ ng kahon ng tabako
ka•lan•tóg 1: malakas na tunog na nalilikha ng isang meka-nikal na kasangkapang maluwag ang pagkakakabit 2: ingay ng isang malaking bu-magsak
ka•láp 1: malakí o malapad na putol ng kahoy at gina-gamit na pantukod 2: pangingisda 3: pamama-hayag ng malaking pangkat
ká•lap 1: magtipon o mangolekta ng mga bagay para sa isang gawain o layunin 2: magtalâ o tumanggap ng bagong kasapi
ka•la•páng 1: bahagi o sangay ng anumang bagay 2: lihà ng isang prutas 3: ngipin ng tenedor o talim ng gunting 4: ngipin ng tenedor o talim ng gunting
ka•la•páy 1: borlas1 2: alulod sa mataas na bahagi, tulad ng bubong 3: palikpik ng isda 4: paggalaw ng pakpak 5: uri ng talangkang may malakíng sipit