ka•la•pì 1: kasáma o bahagi ng isang pangkat 2: salitâng nabubuo sa pamamagitan ng paglalapi sa isang salitâng-ugat
ká•la•pí•nay : palumpong (Dodonaea viscosa) na may dilaw na bulaklak at may malapakpak na bungang itim ang butó
ká•la•pí•ni 1: masangang palumpong (Pluchea indica) na kulay lila ang bulaklak 2: masangang palumpong (Pluchea indica) na kulay lila ang bulaklak
ka•lás 1: kalág 2: tumalikod sa kasunduan tulad ng pagkalás sa pagpapakasal 3: ingay na likha ng barya, o mga susi sa loob ng bulsa
ká•las 1: pagtitina gamit ang halámang katsumba 2: isang uri ng lalagyan na ginagamit para sa nganga, at ang iba pang sangkap nitó 3: pagkagulat o pagka-mangha