ka•las•kás 1: uri ng lambat 2: tunog ng espadang binubúnot mula sa kaluban nitó; tunog ng metal na ikiniskis sa kapuwa metal
ka•lá•so : maliit na isdang-alat (family Synodontidae) na mala-kí ang bibig, pahabâ at malimit na batík-batík ang katawan, may isang mataas na palikpik sa likod, at may ulo na kahawig ng bubuli
ka•lát 1: lipana 2: wala sa ayos, tulad ng kalát na gamit 3: magkakahiwalay o magkakalayô sa isa’t isa
ká•lat 1: bagay na wala sa ayos o wala sa angkop na pook 2: sukal o dumi sa pook na kailangang maayos at malinis
ka•lá•tas 1: isang binigkas, nakasulat, o nakarekord na komunikasyon, karaniwan para sa isang pangkat ng tao o madlâ 2: liham