ká•law : ilahas na ibon (family Bucerotidae), malakí ang katawan kaysa lawin, at karaniwang mapulá at makapal ang tuka lalo na ng pinakamalakí (Bucerox hydroco-rax)
ka•lá•wag 1: kahoy o kawayan na pinaglalagyan ng gamit pangkusina 2: palumpong (Rivea) na bilóg ang bunga na kakaunti ang butó 3: dilaw1
ka•la•wá•kan 1: pook na lubhang malawak 2: kala-ngitan 3: espasyo sa labas ng grabedad ng lupa at sa pagitan ng mga planeta, buwan, at ibang katu-lad na lawas
ka•la•wa•káw 1: pagkalog sa sisidlan o tunog ng kinalog na sisidlang may likido 2: tunog ng hungkag na tiyan
ka•lá•wat 1: mga bagay na wala sa ayos o sala-salabid, gaya ng mga sanga o mga ugat 2: pag-unat sa mga ugat ng punong-kahoy 3: paggapos sa poste ng isang tao na lalatiguhin o susunugin
ka•lá•wit 1: kasangkapang may balikukong talim, mahabàng pulu-hán, at ginagamit sa paghawan o pagputol ng kawayan o siit 2: a anumang metal o matigas na bagay na balikuko ang dulo at nagagamit na sabitán, pansungkit, o panghúli b pagkuha ng anuman sa pamamagitan ng bagay na ito