ka•lú•lay : mga putîng markang naiiwan sa tiyan, binti, o hità ng babae pagkatápos manga-nak o pagkatápos ng unang regla
ka•lú•lot 1: punongkahoy (Artocarpus rubrovenia) na tuma-taas nang 8 m, biluhabâ ang dahon, at maraming butó ang bunga 2: sáhing2 na nakukuha sa antipolo 3: bungangkahoy na nabubulok kapag hinog na
ka•lu•lu•wá 1: ang hindi materyal na aspekto o bahagi ng tao o ibang nilikha 2: ang moralidad, kalikasang pandamdamin, o pag-wari sa kaakuhan ng isang tao 3: ang diwa ng isang bagay 4: sidhing pangkaisipan o pandamdamin lalo na ang naipadadamá sa pamamagi-tan ng likhang sining o pagtatanghal na pansining
ka•lum•bi•bít 1: masangang baging (Caesalpinia crista) na may mga butóng bilóg at kulay abó, at may mapaít na lamán bagaman itinutu-ring na gamot sa sakít ng tiyan 2: mga butó ng baging na ito