ka•lu•pí : basket na may takip, parihabâ ang puwit, at gina-gamit na sisidlan ng bigas, mais, at iba pang butil
ka•lu•pì 1: katutubòng maliit na sisidlan ng rosaryo 2: pitaka 3: portpolyo o anumang sisidlan ng mga papeles at iba pang abubot
ka•lup•kóp 1: metal na ginagawâng panggilid; datig o aporong metal 2: pagpapaibabaw o paglatag, gaya ng ginagawâ sa aspalto 3: tunog mula sa hampas ng karpintero sa kahoy, salitâng mula sa Batangas
ka•lus•kós 1: pagkaskas o pagkayas sa kawayan upang gumawâ ng mga arko o mga balag 2: banayad at sunod-sunod na tunog, gaya ng likha ng yapak sa tuyông dahon, o pagkikiskisan ng dalawang bagay
ka•lu•táng 1: dala-wang tikin ng kawayan na ginagamit sa tinikling 2: dala-wang patpat ng kahoy na ipinapalò sa isa’t isa upang makalikha ng tunog
ka•lut•kót 1: tunog ng mahinàng kamot o galmos 2: pagsilip sa nilalamán ng kahon o anumang katulad na nakalilikha ng mahinàng tunog