- ka•lú•banpng | [ Ilk Kap Pan Tag ]:suksúkan ng patalim
- ka•lu•bá•yan-ng-lo•óbpng | [ ST ]:pagi-ging mahiyain
- ka•lub•kóbpng1:balát na buma-bálot sa ulo ng bawang, sibuyas, at katulad2:[ST] pananggaláng na isinusuot sa ulo3:[ST] isang bungang-kahoy na katulad ng tampoy na ginagawâng alak na kilang, kung kayâ ang kilang ay tinatawag na kinalubkubán4:haláman (Syzygium calubcob) na nabubúhay sa aplaya5:bútas sa katawan ng isang napinsalang punongkahoy
- ka•lúb•kobpng | Psd | [ Ilk ]:patibong sa hito, gawâ sa kawayan
- ka•lu•bótpng | Med | [ War ]:mga butlig butlig na nagnanaknak
- ka•lú•gaypng | Heo | [ ST ]:malalim na bangin, katulad ng kuweba
- ka•lug•dánpnd | [ ST ka+lugod+an ]:maging kasiyahan o katuwaan
- ka•lug•kógpng1:tunog na nalilikha kapag itinutulak ang mga muwebles o nauuga ng hangin ang bintana2:malakas na kulog3:[Hil Tag] halá-man (Syzygium subrotundifolium) na nabubúhay sa dalampasigan o aplaya
- ka•lu•gu•hánpng | Zoo | [ ST ka+logó+ han ]:maliit na manok na may kaka-unti at nalalaglag na balahibo, ginagamit din para sa batà na wala pa sa tamang pag-iisip
- ka•lú•kapng | Mus | [ Kal ]:pipa na may iba’t ibang eskala at tinutugtog ng mga batàng laláki
- ka•lu•kab•kábpng | [ ST ]:bítak o bakbák sa pader
- ka•lu•ku•túkpng:tunog na nalilikha ng inahíng manok na nagpapakain sa mga sisiw, o ng isang tandang hábang gumigiri sa inahín