ka•lo•rí•ya 1: yunit sa pagsúkat ng init 2: yunit sa pagsúkat ng enerhiyang dulot ng pagkain sa katawan 3: enerhiyang kinakaila-ngan upang maitaas nang 1 ºC ang temperatura ng isang gramong tubig
ká•los 1: pagpantay sa labis na takal 2: gamit sa naturang pag-pantay 3: pag-inom ng alak mula sa punông tása 4: paglugas ng mga butil sa pusò ng mais
ká•lot 1: húkay1 2: namî 3: bahaging naiiwan pagkaraang makuha ang langis, hal palyat ng kopra o latík ng lamán ng búko
kal•pú•eng : palumpong (Graptophyllum pictum) na tuwid ang mga sanga, karaniwang lungtian o matingkad na lila ang mga dahon