ka•ba•sì 1: isdang-alat (Nematolosa nasus) na biluhabâ ang katawan at kara-niwang ginagawâng tinapa 2: uri ng biluhabâng patalim na ginagamit ng matadero
ka•ba•tà•an 1: ang kalagayan ng pagiging batà; ang panahon sa pagitan ng kamusmu-san at tigulang 2: ang kasiglahan, kalakasan, kasigasi-gan, kasariwaan, at iba pang kata-ngian ng pagiging batà 3: kalipunan ng mga batàng ito 4: menor de edad
ka•ba•tí•ti 1: palumpong (Colubrina asiatica) na makintab ang dahon, dilaw na lungtian ang bulaklak, at bilóg ang bunga na may tatlong butó 2: patola1