káb•bun : noong panahon ng Espanyol, plantasyon sa Sulu, at ginagamit sa pagtatanim ang mga aliping nahúli sa mga pagsalakay
Ka•bé•sang Tá•les : Telesforo de Dios ang buong pangalan, tauhan sa El Filibusterismo, anak ni Tandang Selo, ama nina Huli at Tano, at may lupaing inangkin ng mga fraile
ka•be•sé•ra 1: sentro ng lalawigan o bansa 2: puwesto sa magkabilâng ulo ng mahabàng mesa 3: tao na nakaupô sa naturang puwesto
ka•be•síl•ya 1: bangka sa sugálan 2: pangunahing kapitalista sa isang magkabákas na negosyo 3: pasimunò1 4: nanga-ngasiwa sa anumang gawaing pangkatan
ka•bí•be 1: lamandagat na kabílang sa mollusk 2: talukab ng kabibe 3: bansalagín 4: mollusk na malaki, kulay kape, at nakakain
ka•bíg : pinakamabilis na hak-bang sa pagtakbo ng kabayo hábang hindi pa nakatungtong ang mga paa nitó sa lupa
ká•big 1: paghila ng anuman papalapit sa sarili sa pamamagitan ng kamay 2: a anumang napanalunan sa sugal b pagkolekta ng napanalunan sa sugal 3: alagád