ka•ba•ya•ní•han 1: katapangan o ibang gawain upang maisakatuparan ang marangal na hangaring makapagsilbi sa kapuwa at sa bayan 2: pagiging makabayan 3: anumang katangiang itinuturing na tatak ng isang bayani sa isang lipunan o panahon
ka•báy-ka•bál : palumpong (Desmodium umbellatum) na tuma-taas nang 2-6 m, may salít-salít na dahon na biluhabâ ang hugis
ka•báy-ka•bál : palumpong (Desmodium umbellatum) na tuma-taas nang 2-6 m, may salít-salít na dahon na biluhabâ ang hugis
ka•bá•yo 1: hayop (Equus caballus) na mabilis tumakbo, may buntot, at may mala-gong buhok sa batok 2: plantsáhan ng damit 3: sa ahedres, piyesang hugis kabayo 4: baraha na kumaka-tawan sa mangangabayo, hal kabayong basto 5: varyant ng kabalyo
ka•bá•yong-dá•gat : isdang-alat (genus Hippocampus family Syngnathidae) na kahawig ng kabayo, karaniwang pinatutuyô, at ginagawâng palamuti