ka•bi•has•nán 1: pagkasánay sa kaugalian o pamama-raan 2: maunlad na estado ng lipunan na may mataas na antas sa agham, industriya, at pamahalaan 3: anumang uri ng kultura, lipunan, at iba ba, ng isang espesipikong pook, panahon, at pangkat 4: mga tao o bansa ng nasabing estado 5: siyudad o pook na maraming naninirahan, salungat sa kaparangan o kagubatan na bibihira ang tao 6: moder-nong mga bentahe o kaginhawahan dulot ng agham at teknolohiya 7: pagiging repinado ng kultura o kaugalian
ka•bi•kî : punongkahoy (Mi-musops elengi) na tumataas nang 15 m, biluhabâ ang dahon, putî ang bulaklak, at bilóg ang bunga
ka•bíl•do : noong panahon ng Espanyol, silid pulungan ng pamunuang panlung-sod o ang pamunuang panlungsod
ka•bi•lú•gan 1: a ang buong mukha ng buwan kapag nasisinagan ng araw b pana-hon ng pangyayaring ito 2: pagi-ging bilóg ng isang bagay 3: maliit na tumpok ng mga táong nag-uusap