ká•ne•síl•yo : tipak ng kahoy o bató, nakausli mula sa pader upang sapuhin ang bigat o anumang bagay na nakapahalang
kang 1: tawag paggálang sa isang nakatatanda ngunit hindi kamag-anak 2: sa madyong, tumutukoy sa pagkokompleto ng apat na magkakaparehong karakter ng pitsa
ká•ngan 1: balabal na kulay asul 2: noong panahon ng Espanyol, piraso ng maligasgas na tela na ginagamit ng mga Muslim bílang salapi sa pakikipagpalitan ng kalakal
kangaroo (káng•ga•rú) : sa Australia, hayop (genus Macropus) na marsupial, maliit ang ulo, malakí ang tainga, at mahabà ang binti at buntot; kilalá dahil sa kilos na palundag-lundag at sa pagdadalá ng anak sa pamamagitan ng tíla lukbu-tan sa tiyan