• kang•káng
    png | [ Kap Tag ]
    1:
    iyak o ungol ng áso
    2:
    tulóy-tulóy na iyak ng sanggol
    3:
    tulóy-tulóy na satsat na may mataas na tono
    4:
    varyant ng kangkag
  • kang•ka•rót
    pnr
    1:
    sa trumpo, malikot at magaralgal na pag-ikot
    2:
    may katangiang katulad ng naturang pagkilos ng trumpo
  • kang•kóng
    png | Bot | [ Bik Iba Mrw Tag ]
    :
    haláman (Ipomea reptans aquatica) na malabaging, tumutubò sa mga tu-bigán, at iginugulay ang talbos
  • kang•kóng-da•pò
    png | Bot | [ ST ]
    :
    uri ng halaman
  • kang•kóng-ka•la•báw
    png | Bot
    :
    yerba (Enhydra fluctuans) na tíla mabuhok at malamán, padapa ang tubò, at nag-uugat sa ibabâng bahagi ng mga bukó
  • kan•gré•ho
    png | Zoo | [ Esp cangrejo ]
  • kan•gré•na
    png | Med
    :
    varyant ng gangrena
  • kán•has
    png | [ Seb ]
    :
    pinakamababàng káti o pagbabâ ng tubig sa dagat
  • kán•hi
    pnr | [ Seb ]
    :
    noong unang pana-hon; malaon na
  • ká•ni•bál
    png | [ Esp canibal ]
    1:
    tao na kumakain ng lamán ng tao
    2:
    anumang hayop na kumakain ng kauri
  • ka•ni•ba•lís•mo
    png | [ Esp canibal+ ismo ]
    1:
    pagkain sa kapuwa at kauri
    2:
    malahayop na bangis
    3:
    panseremonyang pagkain sa lamán ng tao o sa bahagi ng katawan nitó para sa layuning panrelihiyon at pangmahika
  • ka•ní•gang
    png | Bot | [ Pal ]
    :
    uri ng pu-nongkahoy (Trogonoptera trojana), karaniwang tumutubò sa tabí ng almasiga o bagtik at ginagamit na pampalasa ang dahon at balakbak
  • ka•ni•gít
    png | Zoo | [ Bik ]
  • ka•ni•gú•an
    png | [ ST ]
    :
    pook na mara-ming nagpupunta
  • ká•ni•kít
    pnr | [ ka+dikit ]
    :
    maingat gu-mamit sa salapi at iba pang pag-aari
  • ka•ni•lá
    pnh | [ ka+nila ]
    1:
    kaukulang paari ng silá
    2:
    ginagamit bílang layon ng pang-ukol na nása o sa, hal “Nása kanila ang pagpapa-siyà,” “Sa kanila kami kakain”
  • ka•ní•la
    png | Bot | [ Bik Ilk Pan ]
  • ka•ní•law
    png | Bot | [ Bik ]
  • ká•nin
    pnd
    :
    anyong pautos ng kaínin
  • ka•ní•na
    pnb | [ Tag War ]
    :
    panahon na kararaan pa lámang, o hindi pa nata-tagalan