kan•jí 1: pandikit o pam-bálot ng papel, karaniwan sa paggawâ ng saranggola 2: salawal na ibinaba-lot sa baywang
kán•ji : isang set ng mga karakter na Tsino na ginagamit ng mga Hapones sa sistema ng kani-lang pagsusulat
kán•kan 1: ma-sigla at pasipa sipang sayaw na itina-tanghal sa entablado ng mga babaeng nakamahabàng palda at petikot 2: erosyón
Kan•ka•ná-ey : pangkating etniko na matatagpuan sa hilagang kanluran ng Benguet at sa pook ng sinaunang Amburayan, sa hilaga ng La Union
Kan•ka•náy : pangkating etni-ko na matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Mountain Province at nása silangan ng Ilocos Sur
kan•láng 1: mala-kíng tambol 2: sa sinaunang lipunan, gong o trosong tambol na pinapalò kung maghahatid ng mensahe sa mga tao
kan•líng 1: silid o anumang pinag-lalagyan ng pagkain, gamit, pingga, at iba pa 2: maliit na basket na lalagyán ng pagkain at iba pang báon sa paglalakbay
kan•lóg : pagkalog nang mala-kas at maingay ang tubig sa isang sisidlan upang linisin ito, mula dito ang “kinanlog ng alon ang bangka” o pagtangay ng alon sa sasakyang-dagat
kan•lóng 1: natatakpan o nalilili-man 2: nakakubli sa likod ng kalasag at iba pang harang, kayâ hindi makíta o makakíta
kan•lú•ran 1: di-reksiyon ng nilulubugan ng araw 2: isa sa apat na pangunahing púnto ng kómpas, 90° sa kaliwa ng hilaga, katapat ng silangan 3: karaniwang nása malakíng titik, rehiyon o pook na nakatalaga sa di-reksiyon ng kanluraning bahagi, bílang kaiba sa Silangan 4: sa malakíng titik, ang kanluraning bahagi ng mundo, bílang kaiba sa Silangan