Lum•bóng : dambuhalang hayop na tagapasan ng daigdig; pinaniniwalaang sanhi ng lindol tuwing kinakagat ng kasámang hipon
lu•mi•nár•yo 1: maraming nakasinding ilaw 2: tao na naging matagumpay sa pinilìng larangan o propesyon 3: tao na bumubúhay o nagpapasigla sa ibang tao
lu•mís•te•ról : compound (C28H44O) na hindi natutunaw sa tubig at nalilikha sa pamamagitan ng ergosterol
lum•lóm 1: nahinog dili kayâ’y nabulok dahil hindi tumanggap ng sapat na hangin 2: kulang sa sariwang hangin
lu•mó, lu•mò : panlalambot o panghihinà ng katawan at kalooban dahil sa hindi mabuting balita o pangyayari