lum•bá•go : paulit-ulit na pangingirot sa ibabâng dáko ng likuran ng tao; rayuma sa likod sa dakong baywang
lum•báng : punongkahoy (Aleurites moluccana) na katutubò sa Filipinas, karaniwang 80-150 sm ang diyametro, biluhabâ ang bunga na nakukunan ng langis na sangkap sa paggawâ ng pintura, barnis, sabon, at iba pa
lumberjack (lám•ber•jak) 1: tao na pagpútol ng troso ang trabaho 2: jaket na maikli at karaniwang ginagamit ng magtotroso