lum•pi•yâ 1: putaheng binubuo ng hipon, karne, at gulay, ginigisa at binabálot sa manipis na pambalot na arina 2: anumang putahe na binalot sa gayong paraan
lum•pi•yáng sa•ri•wà : lumpiya na may palamáng sariwang gulay at may kasámang manamis-namis na sawsawan
lum•pi•yáng shanghai (lum•pi•yáng syáng•hay) : maliit na lumpiya na may palamáng baboy at hipon, ipinirito at may manamis-namis na maasim-asim na sawsawan
Luna, Antonio (lú•na an•tón•yo) : 1866-1899, parmasyutiko at naging pangkalahatang heneral ng hukbong Filipino noong Digmaang Filipino-Amerikano