• lá•bang

    pnr | [ Ilk ]
    :
    batík-batík at marami ang kulay, karaniwang tumutukoy sa hayop.

  • la•ba•ngán

    png | [ labáng+an ]
    :
    malakíng kahoy o batóng inuka nang malakí sa gitna at ginagamit na kainan ng mga alagang hayop

  • la•bá•ngan

    png | [ Hil ]

  • la•báng•ko

    png | Zoo | [ Esp lavanco ]
    :
    uri ng ilahas na itik

  • lá•ban-lá•ban

    pnr | [ Bik Kap Mag Pan Tag lában+lában ]
    :
    lában ng iba’t ibang pangkat o panig.

  • la•ba•nóg

    png | [ ST ]
    :
    pagpukol sa pamamagitan ng tirador.

  • la•ba•nós

    png | Bot | [ Esp rabano ]
    :
    halámang-ugat (Raphanus sativus) na putî ang bunga at nakakain

  • la•ban•tú•lot

    pnr | [ ST laban+tulot ]
    :
    varyant ng bantulót

  • la•ba•plá•tos

    png | [ Esp lava+plato ]
    :
    tagapaghugas ng pinggan

  • la•bás

    png
    1:
    dakong nakalantad at malayò sa pook na nababakuran
    2:
    dako ng bahay na hindi sákop ng sála o ng silid-tulugan, gaya ng batalan o kusina
    3:
    tanghal1-3 o pagtatanghal
    4:
    pag-aalis mula sa loob
    5:
    bahagi ng anumang ibinibigay o inilalathala nang sunod-sunod
    6:
    bunga o wakas ng isang gawain
    7:
    pagdaloy ng likido sa organ dulot ng orgasmo

  • la•bás

    pnr
    :
    hindi kasali; hindi kasangkot.

  • La•bás!

    pdd
    :
    pautos na pagpapaalis o pagpapataboy.

  • lá•bas

    png | Bot

  • láb-as

    pnr | [ Bik Hil Seb War ]

  • la•bá•sa

    png
    :
    varyant ng labaha

  • la•bá•san

    png | [ labás+an ]
    1:
    pook o lagúsan na dinadaanan kung papalabás o lumalabas
    2:
    oras ng paglabas hal hal labasan mula sa opisina o paaralan

  • la•bát

    pnb | [ Pan ]

  • la•ba•tí•ba

    png | Med | [ Esp lavatiba ]
    1:
    kasangkapang binubuo ng tangke o lalagyán ng tubig, túbong karaniwang goma, at pítong isinusuot sa puwit, at ginagamit na panlinis sa malakíng bituka
    2:
    tubig at iba pang bagay na panla-batiba

  • la•ba•tór•yo

    png | [ Esp lavatorio ]

  • la•báw

    pnr | [ Bik War ]