lam•bák 1: maba-bàng kapatagang nása pagitan ng dalawang mataas na pook o ng dala-wang bundok 2: kanal ng yerong pang-atip.
lam•bál 1: sinulid o nilubid na tela na sinisindihan, gaya ng sa kan-dila, lampara, o gasera 2: hibla.
lam•ba•nà 1: sagisag o kumakatawan sa anumang sina-samba, gaya ng imahen 2: maliit na nilikhang may pakpak.
lam•báng 1: pagiging lapastangan; pagiging walang-gálang 2: pagsáyang sa kapalaran o pagwawalang-bahala 3: bigà na pinaglalapatan ng mga bára ng bubong, ang pinagkakabitan, at pinagtatalian ng atip
lam•báng 1: hinggil o alinsunod sa pagtatagpo sa isang punto ng dalawang rabaw, linya, o kurba 2: hinala sa pag-iral ng isang bagay o katotohanan
lam•bát 1: kasangkapang yarì sa nilálang sinulid, tansi, o lubid at ginagamit na panghúli ng isda, hayop, at ibon 2: tagal ng panahon.