leap year (lip yir) : taon na may 366 araw, kasáma ang Pebrero 29, at nangyayari lámang tuwing ikaapat na taon
learn (lern) 1: matúto o matutuhan 2: isaulo o imemorya 3: maláman; makakuha ng impormasyon 4: makakuha ng instruksiyon o gabay.
learner (lér•ner) 1: tao na nag-aaral ng isang paksa o kasanayan 2: tao na nag-aaral at hindi pa nakapapasá sa pagsubok sa pagmamaneho
lease (lis) : kasunduan na nagpapahintulot na gamitin ang lu-pa o gusali na pag-aari ng iba ayon sa itinakdang panahon, karaniwang may bayad
leave (liv) 1: pag-alis; paglisan 2: pag-alis nang may naiwan 3: paghinto sa pagtatrabaho 4: pag-abandona 5: ang iniwan ng tao na namatay 6: pagpapahintulot sa isang tao na gawin ang anuman nang walang tumututol 7: pagpapabayà sa kalagayan o posisyon