leger line (lé•dzer layn) : maikling linyang idinadagdag kung kailangan sa itaas o ibabâ ng staff upang itaas ang tono.
lég•leg 1: unang araw pag-katapos ng libing 2: pag-aalay upang maiwasan ang kamatayan o impeksiyon 3: bagábag.
le•gúm•bre 1: haláman (family leguminosae) na namumunga ng gulay na butó hal hal sitaw, bataw, at iba pa 2: bunga ng halámang ito na ginagawâng gulay