lecithin (lé•si•tín) 1: alinman sa mga pangkat ng phospholipid na natatagpuan sa hayop, pulá ng itlog, at ibang haláman 2: sangkap na inihanda mula rito na ginagamit sa pagkain.
lectin (lék•tin) : alinman sa mga uri ng protina, karaniwang mula sa haláman, na sanhi ng pagdidikit-dikit ng partikular na uri ng selula
lecturer (lék•tsu•rér) 1: tao na tumatalakay ng isang tanging paksa lalo na kung paksang akade-miko 2: hindi regular na guro sa kolehiyo ngunit binabayaran para sa pagtuturò ng tanging asignatura.
Leda (lí•da) : asawa ni Tyndareus na hari ng Sparta at ini-big ni Zeus; ina nina Castor, Polux, Helen, at Clytemnestra.
ledge (léds) 1: rabaw na makitid at pahaláng, nakausli sa bubong, bundok, at iba pa 2: pormasyong nakausli sa gilid ng ba-to o bundok 3: suson na tíla ugat na dinadaluyan ng metal sa bató
ledger (lé•dyer) 1: aklat na talaan ng mga account 2: pahaláng na tabla sa harap ng gusali na gamit ng mga manggagawa sa pagtatayô o pagko-kompone
le•ég 1: bahagi ng katawan mula sa babà hanggang sa may balikat, naghuhugpong ng ulo sa katawan var laeg, liig 2: bahagi ng bote o banga na katulad ng leeg
leek (lik) 1: haláman (Allium ampeloprasum) na may sapád, magkasudlong sudlong na mga dahon na hugis bombilya 2: simbolong pambansa ng Welsh