• mé•ga•tón
    png | [ Ing ]
    :
    yunit ng lakas na pampasabog, katumbas ng isang milyong tonelada ng TNT
  • mé•ga•vólt
    png | [ Ing ]
    :
    isang milyong boltahe, lalo na sa bílang ng lakas na electromotive
  • megawatt (mé•ga•wát)
    png | [ Ing ]
    :
    isang milyong watt, lalo sa bílang ng lakas elektrikal na mula sa mga estasyon ng lakas
  • me•gé•si
    png | [ Tir ]
    :
    pamumulot at pangongolekta ng kabibe
  • mé•gi•tú
    png | [ Tir ]
  • Me•hi•ká•no
    png | Ant | [ Esp mexicana ]
    :
    laláki na taga-Mexico, Me•hi•ká•na kung babae
  • Me•hi•kó
    png | Heg | [ Esp Mexico ]
  • me•hó•ra
    png | [ Esp mejora ]
    :
    pag-unlad o pagdami ng ari-arian
  • meiosis (me•yó•sis)
    png | Bio | [ Gri Ing ]
    :
    uri ng dibisyon ng cell na nagiging supling na cell kasáma ang kalahati ng bílang ng mga chromosome ng pinagmulang cell
  • me•kád
    pnb | [ Kap ]
  • me•ká•ni•ká
    png | [ Esp meánica ]
    1:
    sangay ng aplikadong matematika na tumatalakay sa mosyon at mga simulain ng mosyon
    2:
    ang agham ng makinarya
    3:
    paraan ng pagbubuo o ruta ng operasyon ng isang bagay
  • me•ká•ni•kál
    pnr | [ Ing mechanical ]
    1:
    hinggil sa mga mákiná at mekanis-mo
    2:
    gawâ o binuo ng makinarya
    3:
    kung sa tao, awtomatiko o kulang sa pagkato-too
    4:
    ukol sa teorya, ipinaliliwanag ang penomenon sa pamamagitan ng paghahaka ng mga aksiyong pangmekanika
    5:
    ukol sa mekanika bílang agham
  • me•ká•ni•kó
    png | [ Esp mecanico ]
    :
    tao na may kasanayán sa pag-aayos ng mákiná
  • me•ka•nís•mo
    png | [ Esp mecanismo ]
    1:
    ang estruktura o pagkuha ng mga ba-hagi ng isang mákiná
    2:
    sistema ng magkatulad na kinuhang bahagi na magkasámang gumagána sa isang mákiná
    3:
    ang moda ng operasyon ng isang prose-so
    4:
    sa sining, teknik na mekanikal
    5:
    sa pilosopi-ya, doktrina na ang lahat ng natural na pangyayari, kabílang ang búhay, ay nagpapahintulot sa mekanikal na paliwanag ng pisika at kemistri
  • me•ká•te
    png | [ Esp- Mex mecate ]
    :
    lubid na gawâ sa isang uri ng halaman
  • Me•ké•ni!
    pdd | [ Kap ]
  • me•lág
    pnr | [ Pan ]
  • me•lág
    png | [ Pan ]
  • melamine (mé•la•mín)
    png | Kem | [ Ing ]
    :
    putîng kristalina na maaaring isáma sa formaldehyde upang makabuo ng thermosetting resin
  • melamine resine (mé•la•mín ré•sin)
    png | [ Ing ]
    :
    plastik na gawâ sa melamine at ginagamit na sangkap sa laminasyon