natural family planning (na•tyu•rál fá•mi•lí plán•ning) : kontrasepsiyon sa pamamagitan ng pagsubaybay sa lapot o labnaw ng hima ng babae at nang maiwasan ang panahon na maaaring mabuntis
natural gas (na•tyu•rál gas) : halò ng mga gaseous hydro-carbon na makikíta sa rabaw ng mundo at mula sa matagal nang bulok na organismo
na•tu•rá•li•sá•do 1: pinadalisay o dumaan sa pag-dalisay 2: naging mamamayan alinsunod sa batas ng naturalisasyon sa bansa
na•tu•ra•li•sas•yón 1: anumang paraan upang maging natural 2: proseso at tungkulin upang maging mamamayan ng bansa ang isang dayuhan
na•tu•ra•lís•mo 1: matapat na pagsunod sa kalikasan 2: matingkad na realismo, ipinangalan sa kilusan noong ika-9 siglo na salungat sa idealisasyon ng karanasan at nagnanais ng obhetibo at malimit na madilim na pagsusuri sa búhay
na•tu•ra•lís•ta 1: tao na naniniwala at nagtataguyod ng naturalismo 2: tao na nag-aaral ng agham pangkalikasan
natural law (na•tyu•rál lo) : kalipunan ng batas o simulain na pinaniniwalaang mula sa kalikasan at umiiral sa lipunan hanggang wala pang batas
natural resource (na•tyu•rál re•sórs) : yamang mineral, kagubatan, pang-agrikultura, at pantubigan ng bansa