natural selection (na•tyu•rál se•lék• syon) : pamamaraan upang makapagbigay ng maraming anak o inapo ang isang pangkat o lahi sa populasyon kaysa iba sa susunod na henerasyon dulot ng ka-nilang kakayahang umangkop sa kalikasan
nausea (nó•sha, no•zí•ya) 1: sulások 2: estado ng labis na rimarim kalakip ng nakatatakot na pagkatanto hinggil sa hindi matatakasang kalayaan bílang isang tao
nautilus (no•tí•lus) : cephalopod (genus Nautilus) na may nakaikid na talukab at makikíta sa karagatang Indo-Pasipiko
navelwort (néy•vel•wórt) : yerba na (Cotelydon umbilica) na may malamán, tíla kalasag na dahon, at dilaw-lungting bulaklak