nucleolus (nu•klyú•lus) : maliit, bilóg, at buong estruktura sa loob ng nucleus na hindi nabibiyak hábang may interphase
nucleonics (nu•kli•ón•iks) : sangay ng agham na tumatalakay ng atomic nuclei lalong lalo na ang aplikasyon nitó sa pang-industriyang inhenyeriya
nucleoside (nú•kli•yu•áyd) : organikong compound na binu-buo ng purine o pyrimidine base na kaugnay sa sugar
nucleosynthesis (nú•kli•yú•sin•thi•sís) : pagbubuong kosmiko ng mga atom na higit na masalimuot sa atom ng hydrogen at karaniwang resulta ng reaksiyong nuklear
nucleotide (nú•kli•yu•táyd) : alinman sa uri ng mga ester na nabubuo sa pamamagitan ng interaksiyon ng phosphoric acid at nucleoside
nuclide (nú•klayd) : atomikong uri na naglalamán ng mga atom na may parehong atomic number at mass number
nudibranch (nyú•di•brángk) : pandagat na gastropod mol-lusk (suborder Nudibranchia) na may talukab na walang silbi at nakalantad ang pinakahasang
nuée ardente (nyéy ar•dánt) : mainit na ulap ng gas, abo, at piraso ng lava na ibinuga ng bulkan, kasabay ng pagdaloy ng payroklas-tik