nuisance (nú•sans) 1: tao, bagay, o pangyayari na nakagugulo 2: anumang nakasasakít at nakagugulo sa isang indibidwal o komunidad, karaniwang lumalabag sa karapatang legal
nuk•le•ár 1: may kaugnayan o binubuo ng nukleo 2: tumutukoy o sumasaklaw sa enerhiyang atomiko 3: pinaaandar ng enerhiyang atomiko
nuk•le•ó 1: gitnang bahagi na bumubuo ng iba pang bahagi 2: esperikong mass ng protoplasm na napapalo-oban ng membrane at makikíta sa lahat ng buháy na cell 3: masa ng utak 4: pag-aayos ng mga atom 5: mass sa atom na may positibong karga 6: solidong bahagi sa ulo ng kometa