nu•me•ró•lo•hí•ya 1: panghuhula sa pamamagitan ng mga numero na umiinog sa tao, bagay, o pook 2: pagkakaayos at pagkasunod-sunod ng mga numero 3: pag-aaral sa numero na nagsasaalang-alang ng petsa ng kapanganakan ng tao at ang impluwensiya nitó sa búhay at kinabukasan
nu•nál 1: likas na marka sa balát na karani-wang itim at nakaumbok 2: maliit nakaumbok na tíla pantal sa balát karaniwang maitim, at dulot ng mataas na antas ng melanin
Nunc Dimittis (nungk di•mít•is) 1: a unang mga salita ni Simeon sa Lucas 2 b 29-32, “ang mapayapang pamamaalam” 2: pahintulot na makaalis o magpaalam
nu•nò 1: salitâng-ugat ng ninunò1 2: lólo at lóla 3: sa kuwentong-bayan, ang matandang naninirahan sa punso