nu•me•ras•yón 1: proseso o resulta ng paglalagay ng numero at pagbibiláng 2: táya1 o pagtáya 3: pagbabasá ng mga bílang
numerator (nu•mi•réy•tor) 1: numeradór 2: bahagi ng fraction na nása taas ng linya, nagsasaad ng bahagi ng kabuuang hati
numerical (nu•mér•i•kál) 1: may kaugnayan sa mga numero 2: nagsasaad ng numero at simbolo nitó 3: tumutukoy sa kakayahang gumawâ ng mga bagay na may kinaláman sa numero gaya ng paglutas ng problemang matematiko