philosopher (fi•lo•só•fer) 1: tao na nag-aral o may kaalaman sa pilosopiya at sangay nitó 2: tao na nagsasaayos ng kaniyang búhay, kilos, paghuhusga, pagsasalita, at iba pa sa pamamagitan ng pilosopiya at katwiran
phlebotomy (fli•bó•to•mí) 1: pagtistis o pagtusok sa ugat upang palabasin ang dugo 2: pagpapadugo bílang medikal na paggamot
-phobe (fowb) : pambuo ng pangngalan at pang-uri, nagsasaad ng tao na may takot o hindi pagkagusto sa isang bagay.
phobia (fówb•ya) : labis na pagkatákot o pagkabagabag kahit wa-lang matibay na batayan, kadahi-lanan, o katotohanan hinggil sa isang bagay, pangyayari, at iba pa.
Phoebe (fí•bi) 1: babaeng Titan, anak ni Uranus at Baia 2: satellite IX ng Saturn 3: sa maliit na titik, ibon (family Tyrannidae) na kumakain ng kulisap at natatagpuan sa rehiyong may mai-nit o katamtamang klima.
Phoenician (fo•wi•ní•syan) 1: kasapi ng Semitikong pangkat ng tao sa sinaunang Phoeni-cia 2: ang semitikong wika nitó.