photon (fó•ton) : quantum o yunit ng enerhiya ng radyasyong elektromagnetiko, gaya ng liwanag, na proporsiyonal sa dalasan ng rad-yasyon nitó.
phylum (fáy•lum) : panguna-hing kategorya sa taksonomiya na nag-uuri mulang pinakamababàng class hanggang pinakamataas na kingdom.
Physical Therapy (fí•si•kál té•ra•pí) : pagpapagalíng ng sakít o pinsala sa pamamagitan ng mga pa-raang pisikal, gaya ng masahe, eher-sisyo, o init, sa halip na pag-inom ng gamot
physiognomy (fis•yó•no•mí) 1: pagmumukha o anyo 2: sining ng pag-alam sa pagkatao sa pamamagitan ng pagbása sa anyo ng mukha o ng katawan 3: panlabas na an-yo ng anumang bagay
physiotherapy (fís•yo•té•ra•fí) : ang paggamot sa karamdaman, kahinaan, o kapinsalaan ng katawan sa pamamagitan ng mga panlunas, gaya ng masahe, himnastika, at katu-lad, sa halip na gamot