pó•has 1: anumang manipis at malapad na bagay na may apat na sulok gaya ng papel, metal, kahoy, at iba pa 2: páhiná ng libro 3: panig o mukha ng pintô, bintanà, at iba pa 4: plantsa2.
poinciana (poyn•si•yá•na) : tropikal na legumbreng pu-nongkahoy (genus Caesalpinia o Delonix) na may matitingkad na puláng bulaklak.
pointer (póyn•ter) 1: malakíng áso, may matalas na pang-amoy, at karaniwang ginagamit sa pangangaso 2: tao o bagay na nagtuturò 3: impormasyon, payo, o mungkahi.
Pointers (póyn•ters) 1: dalawang bituin ng Plough o Big Dipper sa Ursa Major na kahilera ng Pole Star 2: dalawang bituin sa Southern Cross na kapag ikinonekta ay halos umaabot sa polong selestiyal sa timog.
Pointillism (poyn•ti•lí•sim) : isang pamamaraan at estilo ng pagpipinta na nauugnay sa neo-impresyonismo, pinaunlad ni Seurat, at gumagamit ng mga tuldok upang makabuo ng hulagway.