pocketbook (pá•ket•búk) 1: maliit na bag o sisidlan, gawâ sa katad, na pinaglalagyan ng mga papel, salapi, at iba pa, karaniwang nabibitbit at naisisilid sa bulsa 2: pananalapi o yaman 3: aklat, karaniwang nakabalot ng matigas na papel, maliit at sapat upang maisilid sa bulsa.
podium (pów•di•yúm) 1: isang malapad at nakaangat na rabaw sa isang silid 2: entablado, lalo na ang tinutuntungan ng tagakumpas ng orkestra.