pompadour (póm•pa•dór) : uri ng ayos ng buhok na pambabae, na nakataas at nakasuklay nang pasalungat sa mukha.
póm•pi•yáng 1: instrumen-tong pinapalò, gawâ sa manipis na aserong pinagpipingki upang tumu-nog 2: sa sugal, gaya ng huweteng, ang muling paglabas ng numerong lumabas na 3: anumang kilos o tunog pompi-yang.
póm•pon : bolang ornamen-tal o anumang borlas na yari sa himaymay, sutla, o laso, na karani-wang ipinapalamuti sa sombrero o damit.
Ponce, Mariano (pón•se mar•yá•no) : (1863–1918), makabayang manunulat, diplomat, at isa sa mga propagandista ng Filipinas sa Europa.
poncho (pónt•tso) 1: balabal mula sa America, yarì sa piraso ng tela na may gilit sa gitna para sa ulo 2: kapoteng kahawig nitó
pón•de•ró•sa 1: punòng pino (Pinus ponderosa) mula sa Hilagang Amerika 2: ang puláng kahoy mula sa punòng ito.
pón•do 1: anumang nakatago at nakalaan para sa parti-kular na gamit o layunin, karaniwang salapi at kung minsan kaalaman o kakayahan 2: hanggáhan ng lalim, gaya sa ilog at look 3: hinto o paghinto 4: sadsáran ng sasakyang-dagat.
po•né•ma : sa ponetika, alinman sa mga yunit ng tunog sa isang tiyak na wika na nagbibigay ng ibang kahulugan sa isang salita
po•né•mang seg•men•tál : tunog na ginagamitan ng mga katum-bas na letra o titik upang mabása o mabigkas.